Minsan nararamdaman mo ba na parang ikaw na lang yung laging naiiwanan? Na ikaw na lang palagi yung nasasaktan at hindi pinahahalagahan? Minsan nararamdaman mo din ba yung mga panahon na wala kang ibang maasahan kundi sarili mo? Yung times na iniisip mong, "anu ba yung nagawa ko para maramdaman 'to?", "Bakit hindi na lang ako maging masaya tulad nila?" Nasa kanila nga ba ang problema o nasa sarili ko na? D:
- Strawberrytelle ( https://www.facebook.com/OfficialStrawberrytelle?ref=stream )
Saturday, January 26, 2013
R-E-A-L-I-Z-A-T-I-O-N
hahaha :)) narealize ko na kahit anong mangyari, kahit sobrang dami na ng nararamdaman mong hirap, marami ka ng bagay na nasakripisyo.. don't just give up easily.. kasi kung ganun lang din.. para saan pa yung sinasabing mong "paghihirap na pinagdaanan mo" kung susuko ka lang din.. sabihin na natin kahit anong gawin mo, hindi mo talaga makuha yung gusto mo, pero naisip mo na ba na yung bagay na gusto mo, hindi lang naman yun ang kaya mong gawin eh, marami pang iba.. isipin mo na lang na kahit gaano mo gustuhin ang isang bagay, kung hindi talaga para sayo, just accept it... even if it HURTS.. (may ganun? ang taray! haha)
"Remember, man does not live on bread alone: sometimes he needs a little buttering up." ika nga ni John Maxwell
sa totoo lang, totoo naman talaga yung sinasabi nila na "hindi naman ganun kadali tanggapin ang lahat".. pero hindi naman pwede na ganun na lang yun.. aysows! para saan pa at nabuo ang salitang "move on" kung di gagamitin.. at saka narinig mo na ba ang kasabihan na "if one door closes (try mo sa likod bahay baka bukas.. haha) another opens"? it only means that kahit ilang beses ka pang madapa, masugatan *nosebleed* tumayo ka pa rin, masyadong ka ng agaw eksena.. ayy! di pala ganun! haha.. pero tama naman di ba? kumbaga sa mga bata, kahit ilang beses pa silang masugatan tumatayo pa din sila, kahit may kasama pang drama (w/ matching uhog at luha pa! *yuck* hihihi :)) kasi pansinin mo, pagkatapos nun, hindi sila madadala sa sakit na naranasan nila *naks!* kahit anong mangyari maglalaro at maglalaro pa rin sila.. kasi yun ang gusto nila! (ang gusto lang nila iparating ay "bakit mo hahayaan na ang isang bagay pumigil sa'yo sa bagay na gusto mo? di ba?) *bakit ba dinadamay ko pa mga bata?* hahaha!
pero kung di talaga makuha, eh di wag! haha.. :) joke! its just that there's so many opportunities in life that we cannot see, its because we focus too much on one thing (even though focusing on what you want to achieve is a good thing)... why not let ourselves to widen our world? para kahit gaano pa tayo masaktan dahil sa isang bagay, mawawala din yun, dahil iisipin mo "hindi lang naman yun ang meron ako.. marami pang iba.." YUN oh! di ba? dun natin mapi-feel na ang buhay kahit gaano kasaklap, may magagandang bagay pa rin tayong pinanghahawakan.. tulad ng ka-friendster at ka-facebook mo, o kung gusto mo yung ka-tweeter mo (kahit kayo lang din ang nagpa-follow sa isa't-isa) haha! ang ibig kong sabihin ay nandiyan naman ang mga friends mo, BFF, close friends, feeling friends, hehe.. pero wag na wag mong kakalimutan ang pamilya mo, lalung lalo na si God. kasi yang dream na yan na sinasabi natin na gusto nating makuha, kung makuha man natin, eh ano naman? diba? masaya ka nga dahil nakuha mo na yung gusto mo makuha.. pero mararamdaman mo din na may kulang kung wala kang mga taong mapagsasabihan nun, kung wala kang kasama sa pag-celebrate nun.. hahaha..
basta, isipin na lang natin na kahit anong mangyari, nandiyan si God at ang mga tao na TATANGGAP sa atin kahit pa may pagkukulang tayo.. (wala namang taong perfect noh)
waaah! ang haba na? noh? (kunwari pa ako, gusto ko lang naman na talaga tapusin toh eh, manonood pa ako ng anime! hahaha, istorbo na 'toh! may "realize realize" pa kasing nalalaman!) hahaha..
:) :) :)
Subscribe to:
Posts (Atom)